Ni NORA V. CALDERON

SABAK agad si Alden Richards sa taping ng kanyang drama-fantaserye na Mitho pagbalik mula sa Sikat Ka Kapuso shows ng GMA Pinoy TV sa New Jersey, USA at Toronto, Canada.

Paolo at Martin

Kahit umaapir pa rin siya sa Eat Bulaga, tuluy-tuloy na ang taping ng cast sa direksyon ni Dominic Zapata. Isa lamang ang leading lady ni Alden sa serye, si Janine Gutierrez, taliwas sa mga naisulat na tatlo.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Sa unang taping days ni Alden, nakasama niya sina Al Tantay, Chynna Ortaleza (sister ni Alden), Dion Ignacio at si Pao Pao, ang batang gumanap sa Encantadia. Last Tuesday, kasama namang nag-taping ng serye sina Janine, Eric Quizon, Freddie Webb at si Maritoni Fernandez.

Nag-post si Maritoni sa Twitter ng picture nila ni Alden with a caption: “What’s cooking? Always glad to see you baby. Hay... di ba baby @aldenrichards02 but to me you always will be. Love you always ‘nak! #aldenrichards #youguysgrowuptoofast #gmateleserye #tweenheartsbabiesaremybabies forever.

Mga bata pa sina Alden, Barbie Forteza, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, atbp, nang makasama sila ni Maritoni sa Tween Hearts, ang Sunday afternoon soap ng GMA 7 na tumagal ng ilang taon at nasundan ng Tween Academy movie na sila rin ang nagsiganap.

Isa pang member ng cast si Coney Reyes na gaganap na mother ni Alden.

Naghahanda na rin ang buong production staff sa kanilang pag-alis para sa taping ng ilang eksena abroad by the middle of May. Kaya matagal-tagal muling mami-miss ng fans sa Broadway studio si Alden. Pero bago siya umalis may tatapusin pa siyang ilang commitments