Ni Nitz Miralles

MAKAKAPANAYAM natin mamaya si Julie Anne San Jose sa presscon ng My Guitar Princess, ang pinagbibidahan niyang musical rom-com series na magpa-pilot sa May 7, bago mag-Eat Bulaga.

Matatanong natin ang singer-actress kung para saan ang ginawa niyang music video kasama ang cast ng stage musical na The Lion King PH.

Ang Globe ang nasa likod ng music video at sa clip na napanood namin, nagsimula ito na solong kumakanta si Julie Anne saka siya sinabayan ng cast.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Matatanong din natin kung saan ipalalabas at mapapanood ang music video, paano napili si Julie Anne, at kung siya lang ba ang Filipina singer na napiling magkaroon ng collaboration with The Lion King PH cast.

Anyway, natupad na ang dream ni Julie Anne na makagawa ng musical rom-com series na bagay kanya dahil singer siya. Noon pa niya nababanggit na gusto niyang makagawa ng musical rom-com series at nangyari na nga. Isa sa mga abangan ng kanyang fans ang songs na kakantahin ni Julie Anne sa series.

Ginagampanan ni Julie Anne ang role ni Celina Raymundo at leading men niya sina Kiko Estrada at Gil Cuerva. Kasama sa cast sina Sheryl Cruz, Jazz Ocampo, Isabelle de Leon, Maey Bautista, Marc Abeaya, at marami pang iba.