Ni Gilbert Espeña

SA kanyang unang pagsampa sa ring, nagwagi ang Pilipinong si John Rey Villar via 2nd round disqualification laban kay rookie boxer ding si Sandeep Singh Bhatti kamakalawa sa kanilang four-round lightweight bout sa Bangalore, India.

Nakabase sa Dubai, United Arab Emirates si Villar nang magpasyang sumabak sa ring pero idiniskuwalipina ni Phad Padmakar ang kanyang kababayan dahil sa mga foul tactics tulad ng low blows at pang-uulo.

Sa laban ng isa pang Pinoy na nakabase rin sa Dubai na si Larry Abarra, idineklarang no contest ang kanilang sagupaan ni Indian Asad Asif Khan sa unang round pa lamang.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!