(AFP)- Patay ang isang katao at 17 iba pa ang sugatan nang magkagulo ang security forces at mga raliyista na ipinoprotesta ang bagong batas sa eleksiyon sa Madagascar.

Nagsimula ang gulo nang bogahan ng tear gas ng mga pulis ang mga raliyista. Gumanti ang ilan sa kanila sa paghagis ng mga bato.

Iginigiit ng oposisyon na pumapabor sa administrasyon ang bagong tatlong batas at nagiging balakid ito para sa mga kalaban.

Sinabi ni Prime Minister Olivier Mahafaly na malungkot na araw sa bansa ang pagkamatay ng isang demostrador. Iniutos niya ang imbestigasyon “to shed light on the cause of this death”.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo