Ni Bert de Guzman

Sa harap ng napipintong pagpapasara sa Boracay Island sa Abril 26, sinisikap ng mga kongresista na mapagaan ang epekto ng pagsasailalim sa rehabilitasyon sa mga tourist destination.

Inaprubahan ng House committee on tourism ang House Bill 6093 na layuning lumikha ng Tourism Resiliency Certification Program (TRCP) upang mapigilan, maibsan, at malimitahan ang danyos o pinsala na bunsod ng banta sa tourism industry, gaya ng karahasan, terorismo at pinsala sa kapaligiran dulot ng climate change.

Inakda ni Rep. Lucy Torres-Gomez, chairperson ng komite, ang TRCP ay tinukoy bilang “a program that 1) identifies risks to the country’s tourism industry, 2) prescribes compliance measures, 3) establishes an appropriate metric system to determine certain acceptable levels of compliance, and 4) mandates the compliance of prescribed measures by all Registered Tourism Enterprises.”

Tsika at Intriga

Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert