Ni Beth Camia

Pinagtawanan lang ng Malacañang ang panawagan sa United Nations (UN) ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ng grupo ng limang abogado para imbestigahan si Pangulong Duterte sa umano’y walang humpay na pagbabanta at pangha-harass kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakakatawa ang hakbang na ito ng IBP at ng mga pribadong abogado, dahil “wala yata silang kapit sa realidad” at malayo umano sa katotohanan ang alegasyon ng mga ito.

Ayon kay Roque, mismong mga kapwa mahistrado ni Sereno sa Korte Suprema ang tumestigo laban dito sa pagdinig ng Kamara kung may batayan ang kasong impeachment laban dito.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo