June 02, 2026

Home BALITA Politics

Sigaw ng Solid Bloc 11: 'Alan Peter Cayetano resign!'

Sigaw ng Solid Bloc 11: 'Alan Peter Cayetano resign!'
Photo courtesy: Alan Peter Cayetano, Risa Hontiveros (FB)/Mark Balmores (MB)

Lalong uminit ang tensyon sa Senado matapos manawagan ang Senate minority bloc para sa pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano kasunod ng panibagong pagkaantala ng plenary session ngayong Martes, Hunyo 2, sa kawalan ng quorum dahil sa pag-boycott ng majority bloc.

Sa inilabas na joint statement, iginiit ng minority senators na ang mga naganap sa Senado ay malinaw umanong pagtalikod sa tungkulin at pananagutan ng liderato ng kapulungan.

"What happened today was a clear abandonment of responsibility, a dereliction of duty, and a blatant disregard of the rules that govern this institution, because the Senate cannot be made to stop working simply because its presiding officer refuses to lead," ayon sa pahayag.

Tinukoy ng minority bloc ang Rule XIV, Section 41 ng Rules of the Senate, na nagsasaad na maaaring ipagpaliban ng Senate President ang isang sesyon matapos kumonsulta sa Majority Leader at Minority Leader.

Ayon sa kanila, hindi umano ito nasunod.

Politics

Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara!

"Under Rule XIV, Sec. 41 of the Rules of the Senate, the Senate President may postpone the holding of the session AFTER consultation with the Majority Leader AND the Minority Leader. That rule was violated," saad ng grupo.

Dagdag pa nila, hindi lamang simpleng procedural lapse ang naganap kundi isang direktang paglabag sa mga tuntunin ng Senado at kawalan ng paggalang sa institusyon at sa mamamayang Pilipino.

"This is not merely a procedural lapse—it is a direct violation of the Rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the Filipino people," ayon pa sa pahayag.

Dahil dito, tahasan nang nanawagan ang minority bloc para sa pagbibitiw ni Cayetano bilang lider ng Senado.

"Senate President Alan Peter Cayetano SHOULD RESIGN as he has shown that he cannot function as the leader of the Senate," giit ng grupo.

Ang pahayag ay inilabas matapos ang ikalawang sunod na araw ng kawalan ng quorum sa Senado, na nagresulta sa hindi pagtuloy ng plenary session.

Nauna nang inamin ni Cayetano na ginagamit ng majority bloc ang hindi pagdalo sa sesyon bilang parliamentary strategy upang maprotektahan ang mga komite sa Senado, kabilang ang Blue Ribbon Committee.

Maki-Balita: Majority bloc ng senado, nagprotesta vs. 'puppet Senate'

Nauna nang nag-boycott ang mayorya noong Lunes, Hunyo 1, nang sumuko sa mga awtoridad si Sen. Jinggoy Estrada matapos ang pagsuko kaugnay ng kasong plunder, na hindi bailable.

Maki-Balita: Senate majority bloc no show ulit, di na naman sisipot sa plenaryo!—Zubiri