Inihayag ni Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri na tumawag daw si Senate President Alan Peter Cayetano upang ipaalam ang hindi pagdalo ng mga miyembro ng majority bloc sa sesyon ng Senado ngayong Martes, Hunyo 2, 2026.
Ayon kay Zubiri habang naghihintay ang mga miyembro ng minorya sa plenary session hall nitong Martes, kay Cayetano na raw mismo nanggaling na hindi dadalo ang mga miyembro ng mayorya sa nakatakda sana nilang plenaryo.
“Tumawag daw si Alan, di na daw sila dadating,” ani Zubiri.
Ayon naman sa naging pahayag ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, hindi na raw nagbigay ng paliwanag si Cayetano at basta na lang daw nito sinabi sa kanilang Senate Secretary na hindi na sila makakadalo.
“Hindi nagpaliwanag. Basta hindi raw darating. It was relayed by the Senate Secretary,” saad ni Pangilinan.
Matatandaang noon pang Lunes, Hunyo 1, hindi nagpakita ang sinomang mga miyembro ng majority bloc sa nakatakda sanang sesyon nila sa Senado.
Pagkatapos ito ng naging kusang pagsuko ni Sen. Jinggoy Estrada sa mga awtoridad noon ding Lunes nang muling maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest kaugnay sa non-bailable case niya sa kinakasangkutan niyang maanomalyang flood control projects.
Noong Biyernes, Mayo 29, naghain ng ₱90,000 piyansa si Estrada para sa graft na isinampa rin sa kaniya ng Ombudsman. Kasunod nito, muli siyang naglabas ng pahayag at nanindigang walang mga tayan ang lahat ng inaakusa laban sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso
KAUGNAY NA BALITA: Anak ni Sen. Jinggoy, nag-dirty finger at minura si SILG Remulla!