June 02, 2026

Home BALITA

Majority bloc ng senado, nagprotesta vs. 'puppet Senate'

Majority bloc ng senado, nagprotesta vs. 'puppet Senate'
Photo Courtesy: Alan Peter Cayetano, Imee Marcos (FB)

Isa umanong anyo ng protesta laban sa “puppet Senate” ang hindi pagsipot ng majority bloc sa plenary session ngayong Martes, Hunyo 2, ayon kay Senate President Alan Peter Cayetano.

Sa Facebook Live ni Cayetano nito ring Martes, ipinaliwanag niya ang pagkakaiba ng ginawang walk-out ng Senate minority kamakailan sa hindi nila pagdalo sa Senado simula noong Lunes, Hunyo 1.

“Nag-walk out sila [minority bloc] dahil ayaw po nilang makaboto ‘yong ilan naming mga kasama. Objective ng walkout nila, sila ang maging majority,” saad ni Cayetano.

“So,” pagpapatuloy niya, “ngayon naman po na walang forum at walang sesyon yesterday and today, may kasamang mga protesta 'yon against a puppet Senate na gusto nila.  But it is also a parliamentary tool to ensure na tuloy ang Blue Ribbon hearing sa Thursday.”

Matatandaang itinalaga na si Sen. Pia Cayetano bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee habang sina Sen. Rodante Marcoleta at Sen. Jinggoy Estrada naman ang tatayong vice chairperson.

SP Alan bet ipa-Tulfo magkapatid na Raffy, Erwin

Kapuwa may kinakaharap na kaso ang dalawang senador. Sa kasalukuyan, nakapiit na si Sen. Estrada sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City para sa kasong pandarambong dahil sa pagkakasangkot nito sa maanomalyang flood control projects.

Samantala, si Sen. Marcoleta naman ay pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman (OMB) dahil sa pandarambong at panunuhol kaugnay sa pagtanggap umano niya ng donasyong nagkakahalaga ng ₱75 milyon noong kampanya.