Ni KAREN VALEZA

Opisyal nang Mrs. Spies si Rachelle Ann Go. Ikinasal ang award-winning singer /actress at ang American businessman na si Martin Spies nitong Miyerkules, April 18, sa Shangri-la Boracay Resort and Spa.

Martin at Rachelle (IG) copy

Rachelle looked every inch of a glowing bride. Nakasuot siya ng long-sleeved lace bridal gown, at nakatali ang kanyan buhok in a low bun. Dashing groom naman si Martin sa kanyang grey suit.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Isa si Mark Bautista sa ilang celebrity friends ni Rachelle na nagpaskil ng mga litrato ng kasal. Sa ipinost niyang larawan ng couple, sinabi ni Mark na,

“Congratulations Mr. & Mrs. Spies.”Nag-post din ang talent management ni Rachelle na Cornerstone ng mga larawan na kuha mula sa kasal. Ang iba pang celebrities na nagdiwang kasama ang newlyweds ay sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo, Kyla Alvarez, Erik Santos, at Jimmy Marquez.

Ilang oras bago ang kanilang kasal, nagpaskil si Rachelle Ann ng videos ng tanawin sa beach.Biniyang ng kanyang mga kaibigan ng bridal shower si Rachelle noong nakaraang linggo, na nagpalakas sa mga espekulasyon na malapit nang ikasal ang couple.

Nagkakilala sina Rachelle at Martin noong February 2017 sa pamamagitan ng isang mutual friend. September last year, ipinahayag ni Rachelle ang kanyang engagement kay Martin, na aniya ay God’s answered prayer.

Hindi namamalagi si Rachelle sa bansa dahil sa kanyang commitments abroad bilang theater actress. Ang bago niyang papel ay bilang si Elizabeth Hamilton sa West End production ng Hamilton.