TAMPOK ang mga dokumentaryong likha ng mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng taun-taong pagbaha sa University of Santo Tomas at ang kwento ng isang bayani na may kakaibang pamilya sa Class Project: Winners Festival ng YeY Channel ng ABS-CBNTVplus, ngayong Biyernes, 7:30 PM.

Kasama rito ang mga likha ng mag-aaral buhat sa University of Santo Tomas at Leyte Normal University.

Sa “Usapang Balangay” ng UST students, ibabahagi ang kasaysayan ng pagbabaha sa unibersidad tuwing tag-ulan. Ipakikita dito ang pinagmulan ng unibersidad, na itinayo sa isang dating palayan, at aaralin ang pinakadahilan ng mga baha na ito.

Sa “Kupkop” ng LNU, mapapanood ang kuwento ni Lola Ansing, isang matandang dalaga sa Leyte na nagpakilala ng kanyang kakaibang pamilya. Para kay Lola Ansing, ang pamilya niya ay binubuo ng mga bata at matatanda na wala nang ibang umaalaga.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sinimulan ang Class Project Winners Festival noong Abril 6 sa pagpapalabas ng nagwaging dokyumentaryo ng De La Salle University-Dasmariñas na “Lupang Pinangako: Mga Rizalista ng Ronggot.” Tungkol ito sa isang komunidad na naniniwalang diyos ang pambansang bayaning si Jose Rizal. Kasunod nito ang “Basilica” ng Lyceum of the Philippines University (LPU)-Laguna na pumangalawa sa kompetisyon, sa pagtalakay sa mga isyung nakapaligid sa national historical shrine na Taal Basilica.

Inilunsad ng ABS-CBN, Knowledge Channel, at Philippine Association of Communication Educators Foundation, Inc. (PACE) ang Class Project noong Agosto 2017 upang linangin ang husay at pagiging malikhain ng mga estudyante sa paggawa ng mga de-kalidad na dokyumentaro.

Nagsagawa rin ang ABS-CBNng Docu Caravan sa UST at Holy Angel University sa Pampanga kasama ang Knowledge Channel at ABS-CBNIntegrated News & Current Affairs kung saan ibinahagi ni Jeff Canoy ng ABS-CBNNews kung paano nila ginawa ang dokumentaryong Di Ka Pasisiil tungkol sa kaguluhan sa Marawi.