Ni NITZ MIRALLES

KUNG paniniwalaan ang tsika, kumpleto na ang leading ladies ni Alden Richards sa pagbibidahang teleserye na Mitho dahil pumirma na ng kontrata sa GMA Network si Jasmine Curtis-Smith.

Jasmine copy

Si Jasmine raw ang isa sa tatlong leading ladies ni Alden na kinabibilangan nina Janine Gutierrez, Andrea Torres, pero iba ang narinig namin.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Wala pa nga lang kinumpirma ang GMA Network kung anong project ang gagawin ni Jasmine, hindi Mitho, pero malay natin at magbago ang desisyon ng network. Malalaman natin ang tungkol dito kapag nag-storycon ang Mitho at nag-storycon ang soap na gagawin ni Jasmine.

Sa interview kay Jasmine after her contract signing, sinabi niya na nang matapos ang kontrata niya sa TV5, ang GMA ang unang nag-offer.

”They were the first one to reach out, the first one to show interest. They were very patient with us, kind and generous. Parang no brainer na lang siya. Lahat ng naririnig ko from my friends who work here, like sina Solenn (Heussaff), Lauren (Young), magaganda. I’ve only heard god words about GMA and the people of GMA. So, wala akong apprehensions, mag-iingay na ulit ako, ‘yun lang,” pahayag ni Jasmine.

Sakaling isa nga si Jasmine sa makakapareha ni Alden sa Mitho, wala nang ilangan sa dalawa dahil nagkatrabaho na sila sa pelikulang Imagine You and Me na bida sina Alden at Maine Mendoza