PHILADELPHIA (Reuters) – Patay ang isang babae matapos sumabog ang makina ng eroplano ng Southwest Airlines flight na may lulang 149 na pasahero habang nasa himpapawid.

Galing ang Boeing 737-700 sa New York at papuntang Dallas nang mag-emergency landing sa Philadelphia. Kinilala ang nasawi na si Jennifer Riordan, 43 anyos, bank executive.

Sinabi ni NTSB Chairman Robert Sumwalt sa news conference sa Philadelphia na nawawala ang isang engine fan blade ng eroplano, na posibleng nasira at nagkaroon din ng metal fatigue kung saan ito nakakabit. “It is very unusual so we are taking this event extremely seriously,” aniya.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa