Ni Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Natangayan ng dalawang hindi nakilalang armado ng mga personal na gamit ang isang sales representative sa Zamora Street, Barangay San Roque, Tarlac City, nitong Lunes.

Natangay mula kay Julius Sta. Isabel, 39, sales representative ng mga hospital equipment, at residente ng Purok Soliman, Bgy. San Agustin, Murcia, ang isang Oppo F1S cell phone, back pack na may mga damit, office documents, power bank, wallet na naglalaman ng iba’t ibang ID, at P8,000 cash.

Mula sa Siesta Bus Stop Terminal ay sumakay umano sa tricycle ang biktima patungo sa Philippine Rabbit Bus Terminal nang biglang sumuno ang mga suspek sa sasakyan at nangholdap.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.