Ni Czarina Nicole O. Ong

Ibinasura ng Sandiganbayan First Division ang isa sa 43 kaso ng graft na kinahaharap ni dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.

Pebrero 8, 2018 nang maghain si Echiverri ng demurrer to evidence at iginiit na walang masamang intensiyon at disbentahe sa panig ng pamahalaan nang igawad ng pamahalaang lungsod ang P8,081,052.38 kontrata sa P.B. Grey Construction noong Oktubre 20, 2011 para sa pagsasaayos ng mga kalsada at kanal sa Barangay 178.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kinatigan ng Sandiganbayan ang dating alkalde at sa 40-pahinang desisyon na may petsang Abril 18 ay pinawalang sala sa kabiguan ng prosekusyon na mabigyang-diin ang kanyang pagkakasala.