May 20, 2026

Home BALITA National

Trillanes kay Pulong: 'Di mo kaya ipaglaban kapatid mo!’

Trillanes kay Pulong: 'Di mo kaya ipaglaban kapatid mo!’
Photo courtesy: File Photo

Binuweltahan ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV si Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na hindi nga raw kayang dumalo ng huli sa pagdinig ng House Committee on Justice para ipagtanggol ang kapatid na si Vice President Sara Duterte. 

Matatandaan kasing naglabas ng pahayag si Rep. Pulong sa kaniyang Facebook page noong Miyerkules, Abril 29, 2026, at sinabi niyang patuloy pa rin daw silang maninindigan para sa sambayanang Pilipino na nagtitiwala sa kanilang boses.

“Hindi kami uurong. Hindi kami matatakot. Dili mi magpa-ilad,” tindig ng mambabatas. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga kongresista, inaapura nang bumoto sa impeachment vs. VP Sara—Pulong

Ayon naman sa naging tugon ni Trillanes sa inilabas niyang post nitong Huwebes, Abril 30, makikita ang larawan ng pagkuha niya ng mismong sinabi ni Rep. Pulong at sinabi niyang hindi nga raw kayang dumalo ng huli sa pagdinig ng naturang Komite para ipaglaban sana ang kaniyang kapatid. 

National

Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

“Lul! Hindi ka uurong!?” pagsisimula niya. 

Screenshot mula sa FB post ni Trillanes.

Aniya pa, “Congressman ka pero di mo kayang mag-attend ng impeachment hearing para ipaglaban ang kapatid mo.” 

Urirat ni Trillanes, hindi ba raw itatanggi ni Rep. Pulong na tumanggap siya ng milyones sa umano’y “drug lord” na si Samuel “Sammy” Uy. 

“By the way, di mo ba idedeny ang mga milyones na nakuha mo kay Sammy Uy? Di ba nasa konseho ka nun?” patutsada niya. 

Hirit pa ni Trillanes, susubukan daw niyang silipin ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Rep. Pulong. 

“Masilip nga ang SALN mo,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Rep. Pulong kaugnay sa naging pag-atakeng ito ni Trillanes. 

KAUGNAY NA BALITA: Pamilya Duterte, tumanggap ng daan-daang milyon sa drug lord—Trillanes

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, 'di ulit sumipot sa pagdinig ng House Committee on Justice