May 22, 2026

Home BALITA Politics

Mga kongresista, inaapura nang bumoto sa impeachment vs. VP Sara—Pulong

Mga kongresista, inaapura nang bumoto sa impeachment vs. VP Sara—Pulong
Photo Courtesy: via MB

Nakarating umano kay Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na tinatrabaho na umano ng mga tauhan ng pinangalanan niyang “Charise” ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa latest Facebook post ni Rep. Pulong nitong Miyerkules, Abril 29, sinabi niyang nagtatawag na umano ang mga tauhan ni “Charise” ng mga chief of staff ng mga mambabatas para bumoto sa impeachment dahil kung hindi ay tatanggalin umano ang General Appropriations Act (GAA) sa distrito ng mga ito.

“Nagtatawag na raw ang mga staff ni Charise sa mga chief of staff ng mga congressman na bumoto para sa impeachment, kung hindi ay tatanggalin ang buong GAA ng kanilang distrito,” saad ni Rep. Pulong.

“Ibig sabihin,” pagpapatuloy niya, “lahat kasama yung mga pondo para sa patubig, paaralan, tulay, kalsada at iba pang kailangan lalo sa mga probinsyang hirap na hirap.”

Dagdag pa ng kongresista, “[P]ati daw pondo para sana sa mga social services, walang ibibigay. Tao ang gusto parusahan para lang sa desperate attempt nila na mawala ang kalaban sa pulitika. Anong kinakatakot ninyo?”

Politics

Sen. Loren, niligwak na rin ng Kislap Diwa na pinangangasiwaan niya!

Kaya malinaw umanong hindi na lang basta karaniwang politika ang aniya’y “bangag leadership” kundi tahasang pamimilit na.

Ngunit ani Pulong, patuloy pa rin umano silang maninindigan para sa sambayanang Pilipino na nagtitiwala sa kanilang boses.

“Hindi kami uurong. Hindi kami matatakot,” dugtong pa ng kongresista.

Kasalukuyang gumgulong sa House Committee on Justice ang ikaapat na pagdinig kaugnay sa impeachment complaints laban kay VP Sara. Ngunit hindi pa rin nito sinipot ang hearing.

Maki-Balita: VP Sara, 'di ulit sumipot sa pagdinig ng House Committee on Justice