Ni NITZ MIRALLES

SOBRA ang dedikasyon ni Jackie Rice sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka at sa role niyang si Ava Imperial dahil nag-decide siyang mag-leave muna sa Bubble Gang hanggang hindi pa tapos ang Afternoon Prime ng GMA-7.

Jackie copy

“Gusto ko lang mag-concentrate sa role at karakter ko dahil ito na ang pinakasalbahe kong pagiging kontrabida. Bago pa ang taping, binabasa at inaaral ko na ang script ko para sa taping, kabisado ko na ang lines ko at alam ko na ang gagawin. Kaya rin ako nag-leave sa Bubble Gang, para hindi malito ang viewers dahil nagko-comedy ako roon, tapos sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, nagda-drama at inaapi si Thea (Yasmien Kurdi),” paliwanag ni Jackie.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Naniniwala si Jackie na tama ang kanyang desisyon dahil kapalit nito ang ilang weeks na talent fee sa taping ng Bubble Gang dahil kinamumuhian siya ng nanonood ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

“Nababasa ko ang pamba-bash sa akin at sine-send ko kay Direk Neal (del Rosario) para mabasa rin niya ang comments ng viewers. Hindi ko sila pinapansin, ginagawa ko na lang ang trabaho ko at dahil nagagalit ang tao sa akin, ibig sabihin I’m doing right sa una kong pagsabak sa sobrang pagiging kontrabida,” dagdag pa ni Jackie.

Kung sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay nang aagaw ng asawa si Jackie para magka-love life, in real life, masaya siya being single. Wala pa sa plano niya na magka-boyfriend uli after ng break-up nila ng kanyang long time boyfriend na inakala ng marami na kanya nang makakatuluyan.