TINALO ni Quezon City bet Jhulo Goloran si Puerto Princesa ace Mark Anthony Carganilla sa final round para magkampeon sa 1st Don Casiguran and Friends Open Chess Cup na ginanap sa Senate Covered Court sa Barangay 173, North Caloocan, Caloocan City nitong Sabado.
Nasikwat ni Goloran ang titulo, top prize P2,000 plus trophy matapos makalikom ng 5.5 puntos mula sa limang panalo at isang tabla sa anim na laro sa one-day event na sinuportahan nina Barangay Kagawad Pel Balubar, Vicky Dahino, Ebot delos Santos, Bong Duenas ,Sonny Calaguing, Loy Ligon, Ros Encinas at ng Saint Anthony chess team.
Si Alexis Emil Maribao, miyembro ng Iglesia Ni Cristo chess team ay namayani kontra kay Ricardo Copones ng North Caloocan tungo sa 5.0 puntos, kaparehas ng puntos na naitala ni Filipino at United States chess master Almario Marlon Bernardino Jr., wagi kay Dipolog City top gunner Michel Jackson Ambuang.
Matapos ipatupad ang tie break points, naiuwi ni Maribao ang runner-up place P1,000 plus trophy. Sa panig ni Bernardino na isa ding sports writer at radio commentator ay tinangap ang third prize P500 plus trophy dahil sa kanyang effort.
Ang mga nanalo sa kani-kanilang kategorya ay sina Al-Basher “Basty” Buto (Top 8 years old and below), Roy Loyola (Top Palmera), Abdul Rahman Buto (Top 12 years old), Phil Martin Casiguran (Top 6 years old), Alysah Buto (Top 10 years old), Don Casiguran (Top Sta. Cruz), Nathaniel Mirambel (Top Seniors), Godofredo Cayanan (Top Rainbow) at Jean Luk Realino (Top Senate).
Mismong si FIDE National Arbiter Alexander “Alex” Dinoy ng Chess Arbiter Union of the Philippines (CAUP) ang nagsilbing chief arbiter at ang assistant ay si Avelino Carredo.