July 01, 2026

Home BALITA

Rep. Elago, tutol ibaba ang edad ng criminal responsibility

Rep. Elago, tutol ibaba ang edad ng criminal responsibility
Photo Courtesy: Sarah Elago (FB), Pixabay

Naghayag ng pagtutol si Gabriela Women’s Party (GWP) Rep. Sarah Elaga sa panukala ng ilang mambabatas na ibaba ang edad ng criminal responsibility mula 15 patungong 10.

Ito ay matapos ang nangyaring pamamaril ng dalawang menor de edad sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, na ikinasawi ng tatlong estudyante.

Maki-Balita: Matapos insidente ng barilan: Sen. Robin, tinalak special session para sa 'Juvenile Justice Act!' 

Sa eksklusibong panayam ng Balita sa ginanap na pagtitipon ng White Ribbon Movement sa EDSA People Power Monument nitong Linggo, Hunyo 28, sinabi ni Elago na mas mainam umanong palakasin ang child support at protection mechanism sa halip na ibaba sa edad 10 ang criminal responsibilty.

“Naniniwala kami na dapat palakasin ‘yong pagpapatupad ng mga child support at protection mechanism. Pati na rin ‘yong Juvenile Justice and Welfare Act,” saad ni Elago.

National

Sen Imee, tinira ang gobyerno: 'Tulog, lasing sa kapangyarihan, bangag!'

Dagdag pa niya, “Kailangang tiyakin na ‘yong tulong para sa rehabilitation…ay napupunan natin para mabigyan ‘yong bata ng kinakailangan nila.”

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, ipinunto naman ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Chairperson Teddy Casiño na ugatin daw muna kung bakit nagkaroon ng shooting incident bago tumalon ang mga mambabatas sa desisyong ibabaa ang age of criminal responsibility.

Aniya, “Simulan natin sa usapin na bakit ba nangyari 'yong shooting. And malaki diyan 'yong papel ng nag-provide ng baril at nag-training na mamaril 'yong mga bata. So, ang pinag-uusapan natin diyan 'yong pulis na kamag-anak ng isang suspek at 'yong taga-security agency. We should start from there. “

Kapuwa rin hindi sang-ayon sina Elago at Casiño na imbestigahan ang  developer ng online game na GoreBox na pinaniniwalaang may kinalaman umano sa pagiging marahas ng dalawang batang suspek sa Tacloban shooting incident.

Sabi ni Elago, “Kailangan nating tingnan ‘yong kabuuan kung ano ba ang sitwasyon ng mga bata. At doon natin pag-aralan kung ano ‘yong tulong na maibibigay sa kanila.”

“I think hindi 'yon 'yong main culprit,” saad naman ni Casiño. “And we might be wasting our time kung ‘yan ang focus natin. Ang focus natin: bakit nabigyan ng baril? Bakit binigyan ng training?" 

Matatandaang nadismaya si Sen. Risa Hontiveros sa pagtanggi ng game developer ng GoreBox sa imbitasyon ng kaniyang komite na Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality para imbestigahan ang naturang online game.

Maki-Balita: ‘Mananagot din sila!’ Sen. Risa, nadismaya sa pagtanggi ng GoreBox developer