Ni NORA V. CALDERON

“LIAM” na pala ang tawag kay Dennis Trillo ng mga fans kapag nakikita siya. Si Liam ang character na ginagampanan ni Dennis sa romantic-comedy series na The One That Got Away (TOTGA) na love na love ng mga ex-girlfriends niya sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

Nagpasalamat si Dennis sa lahat ng mga kababayan natin sa New Jersey, USA at Toronto, Canada dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila roon nang mag-show sila ng “Sikat Ka Kapuso” ng GMA Pinoy TV. Natuwa si Dennis na muli siyang nakasama sa show na nagpasaya sa mga Pinoy doon na matagal nang naho-homesick pero nagtitiis doon para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Back na nga sa bansa sina Dennis at balik na rin sila ni Lovi sa pagti-taping ng TOTGA. Sa takbo ng story ngayon, parang si Alex na ang pinili ni Liam over Darcy (Max) and Zoe (Rhian).

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Para na pong ganoon, pagkatapos na wala na sina Alex at Gab (Renz Fernandez) na nag-out nang isa palang bakla. At si Zoe, meron nang Gael (Jason Abalos) at si Darcy si Inigo (Ivan Dorschner). Nag-try sana si George (Solenn Heussaff) na sirain ang relasyon namin ni Alex, pero nalaman din naming may mental disorder pala siya at pinabalik na siya ng France para doon ipa-rehabilitate. Huwag na sanang bumitiw ang mga nanonood sa amin dahil mas marami pang magandang magaganap sa story.”

Wala raw muna siyang susunod na teleserye dahil gumagawa na siya ng movie ngayon ang OTJ 2 ni Direk Erik Matti.

“Ang ganda ng cast, iyong iba ngayon ko lamang makakasama. Marami na akong natutunan sa kanila, nai-starstruck ako sa kanila, ang sarap ng feeling na makasama ko sila. Ngayon ko lamang nakitang magtrabaho si Direk Erik at ang team niya, ang titiyaga nila, sa pag-iilaw lamang ng eksena, inaabot na sila ng ilang oras, kaya naman kita mo ang result kapag napanood mo na. Ang sarap po ng feeling na makasama ka sa isang ganito kalaking pelikula. Ako, willing akong mag-adjust kung kailangan kapag may kinukunang eksena.”

Naalaala naming itanong kay Dennis kung totoong engaged na sila to be married ni Jennylyn Mercado after nag-post sila na twinning ng wrist watch, pants and rubber shoes. Pero ang napansin iyong suot na rings ni Jennylyn na parang engagement at wedding ring.

“Matagal na po yun na sinusuot ni Jen, nagkataong ngayon lamang napansin, hindi po engagement and wedding ring iyon,” natatawang patapos ni Dennis.