MASIGABO at nakakabinging palakpakan ang sumalubong sa 66-anyos na lola na dumalo sa moving up ceremony sa Cotabato City National High School, sa Cotabato City nang magtapos siya ng Grade 10.
Bagamat may edad na si Lola Amina Akmad at mayroon nang iniindang pananakit ng katawan, hindi ito naging hadlang para abutin ang parangap na makapag-aral at magkaroon ng sertipiko.
Hindi lang sa Cotabato City hinangaan si Lola dahil sikat at viral na rin siya sa social media, at ilang istasyon na rin ng radyo ang nakikipag-ugnayan upang kapanayamin siya.
Hindi pa riyan natatapos ang pag-aaral ni Lola Amina, dahil ngayong target naman niyang makapagtapos ng senior high school.
Pinatunayan lang ni Lola Amina na wala sa edad ang kagustuhang makapag-aral, gayundin sa pag-abot ng mga pangarap.
Matikas na saludo po sa inyo, Lola!