Ni Reggee Bonoan

PINABALIK ng China si KZ Tandingan para sa grand finals ng Singer 2018.

COCO LEE KZ AT JESSIE J

Ni-request ni Jessie J si KZ para samahan ito sa final performance nito sa Singer 2018 na umere sa China nitong Biyernes, Abril 13.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kasama rin sa production number ni Jessie J si Coco Lee at inawit nila ang Bang Bang. Ang caption sa post ng manager ni KZ na si Erickson Raymundo sa photo ng tatlo, “Chinese Superstar COCO LEE, Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, and Global Superstar Jessie J in One Stage!!! Watch out for their explosive prod in the finals of Singer 2018 tonight! Congratulations KZ for always making us so proud! #KZTandingan #Singer2018 #finals”

Napanood namin ang performance nina Coco Lee, KZ at Jessie J na hiniyawan nang husto ng audience. Nang lumabas na ang Filipina singer para sa kanyang rap performance ay nagsasayawan ang lahat at sumabay sa pagkanta ng tatlo.

Hindi nagpahuli ang pambato ng Pilipinas sa dalawang sikat na international singers.

Samantala, nakatsikahan namin si Erickson nitong Huwebes bago siya lumipad patungong China kinabukasan.

“Okay na rin, pangdagdag din sa portfolio ni KZ na sumali siya sa Singer 2018,” saad ng manager ng dalaga nang banggitin namin ang panghihinayang na hindi naiuwi ni KZ ang kampeonato.

Ang importante nga naman, sa bawat performance ni KZ ay hangang-hanga ang audience.

“Hindi mo rin talaga masabi kung sino ang gusto nila at saka magagaling talaga sila, okay na rin at least may experience si KZ sa Singer 2018,” pahayag ni Erickson.

Walang pagsisisi ang Pinay singer na hindi siya napabilang sa finals ng Singer 2018. Sapat na sa kanya na napasama siya at malaking bagay na nakilala niya nang personal ang isa sa kanyang biggest influence na si Jessie J. May pangako pala kay KZ ang sikat na singer ng UK na magkakaroon sila ng collaboration.