Ni NORA CALDERON

MAGANDANG panoorin ang light moments nina Megan Young at Mikael Daez sa The Stepdaughters. Mas open na sila at wala nang inhibition sa mga eksena, lalo na si Megan, simula nang umamin na sila sa tunay nilang relasyon.

MEGAN copy

Noon kasi, kahit travel buddies sila, ayaw pa rin nilang umamin. Kaya ang malaking tanong sa kanilang dalawa ngayong sunud-sunod na nagpapakasal ang mga kaibigan nila, like sina Solenn Heussaff, Max Collins at Anne Curtis, kailan sila susunod?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tinatanong na rin sila kung paano nila napapanatiling strong ang kanilang relasyon na tumagal na ng pitong taon.

“Siguro po dahil open ang communications namin,” sagot ni Megan. “Halimbawa may ginawa siyang hindi ko nagustuhan, hindi ako nahihiyang sabihan siya. Ganoon din naman siya sa akin, hindi siya nahihiyang sabihan ako. Saka siguro po dahil we help each other grow. Hanga po ako sa dedication niya sa trabaho niya, kaya ganoon na rin ako nai-inspire niya ako sa nakikita kong ginagawa niya.”

Hindi ba siya nagseselos kung may kissing scene si Mikael ibang aktres sa mga teleserye nito, lalo noong time lagi nitong katambal si Andrea Torres? Ngayon naman sa istorya ng The Stepdaughters, obsessed si Katrina Halili kay Mikael.

“Hindi po ako selosa, kahit noon pa, dahil alam kong part ng trabaho namin ‘yon. Basta sure kami sa isa’t isa na kahit ginagawa namin iyon on camera, kami pa rin off-camera.”

Nakita si Megan sa kasal ni Maxene Magalona na tinulungan siya ni Mikael na saluhin ang wedding bouquet, so, nag-iisip na rin ba silang sumunod? Si Megan ay 28 na, 30 naman si Mikael.

“Wala pa po talaga, masaya kami sa isa’t isa, kuntento kami kapag kami lang dalawa ang magkasama. Pero kailangan po muna naming mag-ipon, ayaw naming madaliin ang pagpapakasal. Work po muna kami, lalo ngayon na magkasama kami sa afternoon prime serye namin at mas matitindi na ang mga eksena naming gagawin.

“Yes, mag-boyfriend na kami sa story, pero sekreto pa dahil nga si Katrina, in love na in love sa kanya. May personal problem din kami ng nanay ko, si Glydel Mercado at sa kanila ni Tito Hernan (Gary Estrada). Hindi ko alam kung paano namin tatanggapin ng stepsister kong si Isabelle (Katrina), ang totoong pangyayari sa buhay naming apat.”

Nagpapasalamat si Megan sa mga sumusubaybay sa kanila araw-araw, pagkatapos ng Contessa sa GMA-7.