Ni Reggee Bonoan

‘GANDA vs Ganda’ ang teaser ng Bagani dahil magsasama sa mga eereng eksena ang may mga pinakamamagandang mukha sa showbizlandia, sina Kristine Hermosa at Liza Soberano.

liza tin

Nakakagulat na pagkalipas ng ilang taon ay muling mapapanood sa ABS-CBN si Kristine na sa pagkakatanda namin ay maraming beses nang inalok pero magalang niyang tinatanggihan.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Tinawagan namin kahapon ang taong malapit sa magandang misis ni Oyo Sotto kung ano ang magiging papel ng aktres.

“Actually, umpisa pa lang ng Bagani, may in-offer na kay Tin, kaso hindi niya nagustuhan ‘tapos itong karakter na Malaya, asawa niya si Bathala (Raymond Bagatsing). Lalabas ang karakter niya mamaya (kagabi).

“Bale magkakaeksena sina Tin at Liza as Ganda kasi, di ba, namatay ‘tapos nabuhay si Ganda, napadpad siya sa mundo nina Malaya,” kuwento sa amin.

Magiging regular ba si Kristine sa Bagani at paano napapayag si Oyo na magbalik-serye ang wifey niya?

“Si Oyo naman kung ano’ng gusto ni Tin okay sa kanya at saka may cut-off naman si Tin so walang magiging problema.

Sa pagkakaalam ko, regular si Tin towards the end of Bagani,” sagot sa amin.

Tiyak na natutuwa ang maraming fans ni Kristine na muli siyang mapapanood gabi-gabi. Alam namin na ang dami nang nakaka-miss sa kanya at sana ay hindi lang sa Bagani siya mapanood kundi sa mga susunod pang teleserye ng ABS-CBN.