Ni Nitz Miralles

HINDI napangatawanan ni Juancho Trivino ang ipinost na picture niya habang nasa beach sa Subic, Zambales na black thong ang suot, nakatalikod at kita ang puwet.

JUANCHO_decent copy

Dinelete agad ng aktor ang litrato, pero may nakapag-screen shot, na-save at na-post. Hayun, pinagpistahan.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

May pumuri sa tapang ni Juancho na i-post ang picture kahit alam na maba-bash siya at siyempre pa, nagpista nga ang basher. Tiyak na natawa na lang si Juancho sa reaction ng netizens sa pagiging bold niya in posting his sexy photo.

Kabilang sina Janine Gutierrez at Klea Pineda, kapwa Kapuso stars ni Juancho, sa mga nag-comment sa naturang picture.

“TOTOO BA????” ang unang comment ni Janine na sinagot ni Juancho ng, “Bakit kayo pwede” at muling sumagot si Janine ng “hoy hindi ako ganyan kahubad!!!”

Ang cute naman ng comment ni Klea na “GROBI GROBI!!!” na sinagot ni Juancho ng “wala ka kanina eh hahahaha.”

Gusto na tuloy ng press people na mag-presscon para sa Inday Will Always Love You para matanong si Juancho sa kanyang “daring act.” Sabi siguro niya sa bashers niya, “pakialam ko sa inyo.”

‘Yun din ang nakikita naming rason kung bakit hindi ino-off ni Juancho ang comment box sa Instagram (IG) account niya. Nababasa ng mga bumibisita sa IG niya kung paano siya murahin, laitin at pagsalitaan ng masama ng mga nagpapakilalang fans ng AlDub at ni Alden Richards.

Tapos na ang isyu, nag-sorry na si Juancho at ang sabi, nagkausap na ng personal sina Alden at Juancho, pero galit pa rin ang fans kay Juancho. Sino ngayon ang lumalabas na masama sa mga nakakabasa? Kaya move on na, guys! May papuwet na nga si Juancho, oh!