Ni NORA CALDERON

KAHIT guest role lang si Solenn Heussaff sa The One That Got Away (TOTGA), nag-enjoy siya nang husto. Friends kasi niya ang mga kapwa sexy ex-girldfriends ni Dennis Trillo sa istorya, sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

SOLENN copy

Siya si George, ang first girlfriend ni Liam (Dennis) na umuwi ng Pilipinas from France para dito raw magtrabaho, pero ang totoo ay may problemang tinakasan doon.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Weird nga ang character ni George pero inintindi siya ni Liam, lalo na nang malaman niyang may sakit pala ako,” kuwento ni Solenn. “Ang hindi alam ni Liam at ng ex-girlfriends niya, gusto kong bumalik muli sa akin si Liam.

Gumagawa ako ng paraan na maakit siya muli dahil doon ako nag-stay sa bahay niya.”

Maraming tweets ang mga sumusubay sa serye na naguguluhan sa character ni Solenn, dahil kung minsan ay parang hindi alam ang mga sinasabi at galit kina Alex (Lovi), Darcy (Max) at Zoe (Rhian). Da hayt nang malaman niyang si Alex pala ang talagang mahal ni Liam, pinagtangkaan niya itong patayin kaya iginawa ng special drink na may lason na ipinaiinom dito.

“Iyon, nabuko na rin na wala palang sakit si George, na may taning daw ang buhay niya kundi may mental disorder pala siya kaya pinabalik na siya sa France para doon gamutin. Thankful ako sa buong cast, nag-enjoy ako.”

May dalawang pelikulang ginagawa si Solenn, ang My 2 Mommies for Regal Films with Paolo Ballesteros sa direksyon ni Eric Quizon and intended for Mother’s Day presentation sa May 9 at ang indie film na Misterio de la Noche na naiiba rin ang character niya na madalas ay naked sa eksena pero pinaitim siya. Kaya kailangan daw na anim katao ang naglilinis sa kanya after the shoot.

Malapit nang magtapos ang TOTGA na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Kambal Karibal.