NAGBUKAS ang pinakahihintay na Siargao International Gamefishing Tournament – nasa ika-11 season – nitong Miyerkules sa Siargao.

Pinangunahan ni Surigao del Norte Congressman Francisco Matugas ang opening ceremony para sa pamosong international gamefishing competition.

Lalarga ang kompetisyon sa Pilar simula Abril 11-16.

Ayon kay Rep. Matugas, sumasabak ang mga local at international anglers sa championship.

Putol na ang sumpa! UST tinapos na ang 9 taon losing streak sa Ateneo

“Gamefishing is a big thing in the bountiful seas of Siargao,” pahayag ng Surigao del Norte solon. “With species such as marlin, tuna, grouper, dorado and billfish avid anglers are not disappointed with their bounty,” aniya.

Dumating din sa torneo sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Tourism Secretary Wanda Corazon Tulfo- Teo at Leyte Rep. Lucy Torres Gomez kasam ang kabiyak na si actor-turned Mayor Richard Gomez.

Ayon kay Rep. Matugas, ang torneo ang pinakamalaki sa dami ng kalahok sa mga nakalipas na patimpalak.