Ni Charissa M. Luci-Atienza

Nanawagan si Quezon City Rep. Alfred Vargas sa Department of Health na palakasin pa ang immunization program nito sa buong bansa kasunod ng pagdeklara ng outbreak ng tigdas sa Davao at Zamboanga City.

“The Department of Health is urged to coordinate with the local government health officials and civil society groups to intensify measles vaccination in the affected areas,” sabi ni Vargas.

Ms. Catering binigyan ng ₱100k, bangkang pangisda ni Wilbert Tolentino

Hiniling din niya sa House Committee on Health na kaagad magsagawa ng imbestigasyon sa immunization program at iniulat na measles outbreak sa bansa.

“The DOH attributed these outbreaks to low vaccine coverage in the past years,” aniya pa.

Isa sa mga itinuturong dahilan nito ang kontrobersiya ng Dengvaxia kamakakailan.