June 06, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Banat ni Miss Everything: 'If Sara has a sin, jail her! If BBM is guilty too, jail him. No choosing!'

Banat ni Miss Everything: 'If Sara has a sin, jail her! If BBM is guilty too, jail him. No choosing!'
Photo courtesy: Miss Everything (FB)/via MB File Photo

Usap-usapan ng mga netizen ang pinakawalang social media post ng social media personality na si "Miss Everything" laban kina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte, na kinaaliwan ng mga netizen dahil sa kaniyang "grammaring."

Para sa mga hindi nakakaalam, si Ericka Camata o alyas "Miss Everything" ay viral sensation noong 2020 dahil sa mga nakakaaliw niyang TikTok videos gaya ng sariling sikap na pagkanta sa ilang mga kantang sikat sa TikTok sa nabanggit na social media platform, gayundin ang pagbanggit niya ng "Everything!"

Maliban sa patok na videos niya, viral din ang photoshoot niya na mala-'America's Next Top Model' ang datingan.

Siyempre pa, trademark niya ang "mali-maling" English grammar na kahit ganoon, naiintindihan pa rin ng netizens at nagdudulot ng kasiyahan sa marami.

Noong Hunyo 4, nag-post ng "political view" niya si Miss Everything na kahit idinaan niya sa pagpapatawa, gets naman ng mga netizen at sumang-ayon sa kaniyang tirada.

Tsika at Intriga

Kuda ni Sen. Robin: 'Di ako Bad Boy sa politika, ako'y very Good Boy!'

Aniya, as is published, "If Sara has a sin, jail her! If BBM is guilty too, jail him. No choosing. No top 2 finalist. No to anyon being saved just just!"

Photo courtesy: Screenshot from Miss Everything/FB

Bagama't hindi direktang tinukoy kung sino ang "Sara" at "BBM" na binanggit niya, naniniwala naman ang mga netizen na ito ay walang iba kundi ang Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Dagdag pa ni MIss Everything sa comment section ng mismong post niya, "Let the right person ONLY lead. No chuwariwaps and sarjant at arms!"

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May ilang nagkumpara pa sa kaniya sa isa pang social media personality na nagngangalang "Jupeta."

"Mas nag make sense pa to kesa kay Jupeta hahaha."

"The opinionity is correctness upon the arrival of corruptation."

"This is honestly better than Jupeta. Miss Everything doesn’t try to act like a know-it-all in her vlogs, but she is surprisingly rational and sensible when it comes to her political views. Love it."

"your pointing of mountain view is the right thing to do.."

"the kween has spokening poetry"

"Mas may sense pa post nito Kaysa Yung Kilala ko diyan."

"Finally, you calibrated your moral standardness stardardship starwars now. Love you mhie."