June 06, 2026

Home BALITA National

Reporter, tinangging pumalakpak kay SP Cayetano sa Blue Ribbon hearing!

Reporter, tinangging pumalakpak kay SP Cayetano sa Blue Ribbon hearing!
Photo courtesy: Matthew Pérez (FB), MB

Mariing itinanggi sa publiko ng TV host at journalist na si Matthew Pirante-Pérez na isa siya sa mga pumalakpak at nagbigay-pugay kay Senate President Alan Peter Cayetano sa ikinasang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Huwebes, Hunyo 4, 2026. 

Matatandaang tila ikinatuwa ni Cayetano sa isinagawa nilang pagdinig sa SBRC noon ang naging palakpakan at sigawan ng mga taong nasa loob ng session hall ng Senado at sinabi niyang mga hanay daw ng media ang nagbigay ng reaksyon para sa kaniya. 

“First time akong napalakpakan ng media. Walang bayad ‘yon!” natatawang hirit ni Cayetano. 

Noon namang Biyernes, Hunyo 5, kumalat sa social media ang video kung saan makikitang may isang lalaki, na napag-alamang empleyado ni Cayetano, ang nangunguna sa pagbibigay-pugay sa nasabing senador. 

Sa naging pahayag naman ni Perez sa kaniyang Facebook post noon ding Biyernes, sinabi niyang marami daw ang nagpadala ng direktang mensahe sa kaniya dahil makikita sa nag-viral na video sa internet na katabi siya ng lalaking empleyado ni Cayetano. 

National

Sen. Loren, pinagdiinang ilegal naganap na quorum at balasahan sa Senado!

Ani Perez, kinukumpirma raw niyang siya ang journalist na katabi ng pumapalakpak na lalaki. 

“I would like to be very clear since a lot are sliding me DMs because of this photo. For those who don’t know me, I’m the guy on the left,” pagsisimula niya. 

Mula sa post ni Perez. 

Depensa ni Perez, hindi raw siya pumapalakpak para kay Cayetano taliwas sa sinabi ng senador dahil nandoon daw siya para irepresenta ang kanilang pahayagan. 

“I did not clap, and I am not a staffer of Sen. Cayetano. I was there as a member of the press representing a publication and on official business,” diin niya. 

Pagpapatuloy ni Perez, may iba pa nga raw video mula sa mga pahayagan na makikitang nakangiti lang siya habang inaayos niya ang kaniyang telepono para mag-record ng mga naganap. 

“There are videos posted by other publications where I am seen on-camera just smiling and adjusting my phone because I’m recording,” pagtatapos niya. 

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o tugon si Cayetano kaugnay sa naging pagtutuwid ng mga kawani ng media na hindi raw siya pinalakpakan ng mga ito. 

KAUGNAY NA BALITA: 'I'm still the legitimate, legal, moral Senate President!'—SP Cayetano