Ni NITZ MIRALLES

NATAWA kami habang binabasa ang sagot ni Kris Aquino sa isang gustong pumorma sa kanya na idinaan sa Instagram (IG).

KRIS copy

Sabi kasi ni @mandi_monaco, kung puwede nitong ligawan si Kris kung papayag siya. Simple guy daw siya. OFW engineer at nag-nurse rin sa UK. Nangako pa itong ‘pag minahal ito ni Kris, mamahalin siya nito habang buhay.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Siguradong hindi lang kami ang natawa sa sagot ni Kris na, “@mandi_monaco no thank you. I saw your feed -- I don’t like ‘fakes’ & your account looks like a ‘troll’ account. Ang bastos pa nu’ng pics. Please, I’m too smart & too pretty para mag-attempt kang bolahin pa ‘ko.”

Pati tuloy kami binisita ang IG ni Kuya na gustong manligaw kay Kris at sa four posts nito, dalawa ng ang medyo malaswa. Kasi naman. Anyway, humirit pa si Kuya, pero hindi na sumagot si Kris.

Samantala, may magandang balita si Kris sa kanyang followers na gusto na siyang muling mapanood sa pelikula. Bukod sa offer ng Star Cinema, may iba pa siyang gagawin, depende sa magiging pag-uusap.

“THANK YOU @visionerickson of @cornerstone @ @springfilms & my inaanak Direk @paulsoriano1017 & Team @ten17p -- I loved sharing in the creative process & I feel so privileged to have the opportunity to hopefully work with 2 of our country’s most innonative independent producers for a movie that has such a daring yet human concept! Sorry @jacksalvador was doing so many errands I forgot to ask for a picture to commemorate our meeting. I love you all for being the reason these blessings keep coming my way.“

Sumagot si Direk Paul Soriano ng, “Looking forward Ninang @krisaquino Thank you!!!”

Ang ibig bang sabihin nito, matutuloy ang paggawa ng pelikula ni Kris sa TEN17P Production ni Direk Paul?

Makakarami ng pelikulang gagawin ni Kris kung ganu’n, maraming aabangan sa kanya ang kanyang fans at followers.

Nasa Osaka, Japan ngayon sina Kris, Bimby at Josh para sa first endorsement shoot abroad ni Kris.

“Bucket list Team KCAP’s 1st endorsement shoot abroad. And in my favorite country to visit. #grateful #lovelovelove, “ sabi ni Kris sa kanyang latest post.