Ni ADOR SALUTA

INAKALA ng madlang pipol na all is well na between Gabby Concepcion and Sharon Cuneta after the much celebrated fastfood commecial na kanilang ginawa at pinanood ng milyun-milyong followers sa social media.

GABBY AT SHARON_please crop copy

Pero nag-comment kasi si Sharon na, “There may never be another Sharon-Gabby movie again,”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Malabo na raw itong matuloy.

Kaya nagpaliwanag si Gabby at inilahad ang kanyang side.

Nilinaw niya sa column ni Ambet Nabus sa Abante na, “To clarify lang ha, wala talaga sa akin ang problema. Ever since, I am very open and cooperative sa sinasabing reunion movie project na iyan.”

May ilang detalye daw sa proyekto na hindi nila pinagkasunduan.

“It’s just that our producer has laid out some items na nu’ng sinang-ayunan ko ay hindi raw pala gusto ni Sharon,” katwiran ng aktor.