Ni Bert de Guzman

Ipinasa ng Kamara ang House Bill 7422 na naglalayong isama ang National Building Code of the Philippines (NBCP) bilang major subject sa higher education curriculum ng kursong Architecture at Engineering, at isa ring topic sa licensure exams.

Ang panukalang “National Building Code Integration Act” ay inakda ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr.

Events

Kim Chiu, Julia Barretto nominado sa Asian TV Awards 2024

Itinatadhana na dapat siguruhin ng Estado na magkakaroon ng sapat na kaalaman ang future engineers sa pagtatayo ng mga gusali at non-building structures upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ang NBCP, isinabatas noong Agosto 26, 1972, ay nagkakaloob ng “framework of minimum standards and requirements by guiding and controlling location, siting, and design” sa lahat ng gusali at istraktura.