ISANG original web series tungkol sa millenials mula sa award-winning director na si Pam Reyes ang mapapanood sa iWant TV simula ngayong ika-11 ng Abril.

'Adulting' copy

Pinamagatang #Adulting, ang palabas ay light drama-comedy tungkol sa apat na babaeng kaga-graduate sa kolehiyo at sa kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng adulthood.

Creative producer ng award-winning movie na Birdshot ang direktor nito na si Pam Reyes.

Pelikula

'JOY IS GONE!' Teaser ng 'Hello, Love, Again,' usap-usapan

“Ang masalimuot at masayang buhay ng babae sa Maynila ang mapapanood sa #Adulting,” sabi ni Pam. “Matagal ko nang gustong lumikha ng shows tungkol sa pagiging babae sa Pilipinas. Kakaibang pagtalakay ito sa pagiging babae at sana magustuhan ng audiences. Karamihan sa team namin na lumikha nito ay halos puro kababaihan. Sinulat ko ang apat na karakter dito kasama si Rae Red, na naging kasama ko sa UP noong kolehiyo pa kami. Inspired sa real life events ang mga sitwasyon sa #Adulting.”

Film graduate ang main character na si Aira na nangangarap maging direktor, ngunit kailangan niyang pagdaanan ang pagiging production assistant.

Maraming inside jokes tungkol sa industriya ang mapapanod kay Aira.

Si Lars naman ang ‘ate’ ng grupo. Galing siya sa isang long-term relationship. Nahihirapan siyang pumili kung alin ang uunahin, ang pangarap sa buhay o ang kanyang love life.

Si Sab naman ang tinatawag na “coño,” ngunit madilim na personal at mental issue ang kanyang nalalabanan. Ang Public Administration graduate naman na si Bulak ay tubong probinsiya. Paghahanap ng magandang trabaho ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin ngunit kasabay nito ang pakikipagbuno niya sa kanyang sexual identity.

Ang “adulting” ay termimong ginagamit ng millennials kapag pinag-uusapan ang pagganap ng kanilang mga responsibilidad bilang adult.

Ang pagsabak sa digital shows ay kasama sa pagiging digital company ng ABS-CBN, ang Filipino company na may pinakamalaking online presence at ang top YouTube and Facebook publisher sa Pilipinas. Pinakamarami ang views nito sa online sa bansa, at ika-32 naman sa buong mundo.

Panoorin ang tatlong episode ng #Adulting sa Miyerkules, ika-11 ng Abril nang libre sa iWant TV. Ang iWant TV shows ay mapapanood sa website na www.iWantv.com.ph at sa pamamagitan ng iWant TV app na maddownload mula sa App Store o Google Play. Available ito sa ABS-CBN mobile, Smart, Sun, Talk ‘n Text, PLDT Home, Globe at TM subscribers.