Mula sa Yahoo Celebrity

DAPAT ay ito sana ang pinakamasayang panahon sa buhay ni Khloé Kardashian. Anumang oras ay isisilang na niya ang kanyang unang sanggol, ngunit nitong Martes, naglabasan ilang alegasyon ng pangangaliwa ni Tristan Thompson – at may mga video pang katibayan.

Nagsimula ito nang ilabas ng Daily Mail ang footage, na umano ay nakuhanan nitong Sabado, at makikita sa video ang pakikipaglapit ng Cleveland Cavaliers star sa ibang babae sa isang club sa New York City. Sa video, maaaring isipin na hinalikan o hindi hinalikan ni Thompson ang babae. Ayon sa saksi, na kumuha ng video, si Thompson ay “making out all night” umano sa hindi nakilalang babae. Nakuha ng TMZ ang footage ng basketball player, 27, na dumating sa kanyang hotel na kasama ang nasabing babae, bandang 5:00 ng umaga. Si Kardashian, 33, ay nasa Cleveland upang paghandaan ang pagsilang ng kanilang little girl.

Sa kasamaang palad, mayroon pang ibang isyu.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ilang oras pagkaraang lumabas ng paunang ulat, inilabas naman ng TMZ ang footage ni Thompson na umano’y nangangaliwa habang nasa tour noong Oktubre.

Lumalabas na tatlong buwang buntis ang Keeping Up With the Kardashians star nang mga panahong iyon. Nai-record ang surveillance video noong Oktubre 7, 2017 sa hookah lounge sa labas ng Washington, D.C., na makikita si Thompson na may kasamang tatlong babae. Sa black-and-white footage, nakikipagharutan siya sa isa sa mga babae, at kita rito na nasa dibdib ng isa pang babae ang ulo ng basketball player.

Nang mga panahong iyon, hindi nagkomento sa alegasyon sina Kardashian at Thompson. Nakipag-ugnayan ang Yahoo sa publicist ng reality star para humingi ng komento, ngunit hindi pa ito nagpapaunlak.

Gayunman, tungkol sa insidente noong Sabado ng gabi, isang malapit sa dalawa ang nagpahayag sa Entertainment Tonight, na si Thompson at ang babaeng namataan niyang kasama ay nag-uusap lang, “nothing more.”

“The video going around shows Tristan in a loud club briefly talking to a girl, nothing more,” sabi ng source.

“Tristan was there for roughly an hour and left with his teammates. Khloé and Tristan are happy and focusing on the birth of their daughter.”

Nitong Lunes, mukha namang normal ang lahat sa buhay ng soon-to-be parents.

Samantala, ang social media page ni Thompson ay binaha ng mga snake emoji.

Ang isisilang ni Kardashian ay unang baby niya, na pangalawang anak naman ng NBA player. Mayroon siyang isang taong gulang na anak, si Prince, sa kanyang ex-girlfriend na si Jordan Craig. Nanganak si Craig noong Disyembre 2016, at pagkaraan ng ilang buwan ay nagkaroon na ng relasyon sina Thompson at Kardashian.

Nang kumpirmahin ni Kardashian ang kanyang pagbubuntis nitong nakaraang taon, tinawag niya itong “greatest dream realized.”

Naging bukas din sa publiko ang Good American designer, na una nang ikinasal kay dating NBA star Lamar Odom, kung gaano kabuti si Thompson sa kanya habang nagbubuntis siya.

Nag-post din siya ng dedication para sa kay Thompson sa kanyang website.

“There are sooooo many things that I find sexy about Tristan,” aniya. “The way he is affectionate with me! The way he isn’t afraid to express himself! The way he’s kind and compassionate! I also love how assertive and confident he is, but above all, I love how much Tristan loves me — and how he always tells me so. His love gives me so much confidence.”

Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang nagkokomento isa man sa KarJenners tungkol sa isyu.