NASIKWAT ni John Marvin Miciano ang tanging gintong medalya para sa Team Philippines sa katatapos na Asian Youth Chess Championship sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiang Mai, Thailand.

IBINIDA nina John Marvin Miciano (kaliwa) ng Davao City at Daniel Quizon ng Dasmariñas City ang mga tropeo matapos magtapos sa 1-2 sa boys 18 years old and under division Standard event sa katatapos na Asian Youth Chess Championship sa Thailand.

Nakopo rin ng 17-anyos na miyembro ng Far Eastern University senior high school student ang outright International Master title.

Ginapi ng Davao City native si Thilakarathne G M H ng Sri-Lanka matapos ang 44 moves ng Sicilian defense Najdorf variation.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumapos si Miciano na may 7.5 puntos mula sa anim na panalo at tatlong tabla sa nine-round Swiss system sa boys-18 under class na nilahukan ng 30 players mula sa 26 bansa.

Pumangalawa naman si “Super Kid” Daniel Quizon ng Dasmariñas City sa boys 18 years old and under division Standard event.

Suportado nina Dasmariñas City, Cavite Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at Congresswoman Jenny Barzaga, giniba ni Quizon si Candidate Master Le Minh Hoang ng Vietnam sa ninth at final round.

Tumapos ang 13-year-old Quizon sa pagkolekta ng 6.5 puntos mula sa limang panalo, tatlong draws at isang kabiguan.