Ni Leandro Alborote

SANTA IGNACIA, Tarlac – Hindi na natiis ng isang lalaki ang dalawang taong bangayan nila ng kanyang misis hanggang tumungga siya ng insecticide sa harap nito sa Barangay San Vicente, Santa Ignacia, Tarlac, nitong Lunes.

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy na inoobserbahan sa ospital ang 40-anyos na biktima, na nagtangkang maglason sa harap ng 37-anyos niyang misis, na kauuwi lang mula sa Hong Kong.

Unang isinugod ang biktima sa Don Gilberto Teodoro Memorial Hospital at kalaunan ay inilipat sa Tarlac Provincial Hospital.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Una rito, napag-alaman na ipinost pa ng biktima sa social media ang plano niyang pagpapakamatay kapag dumating na ang kanyang asawa mula sa ibang bansa.