Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Nakilala na ng pulisya ang isang bangkay ng babaeng negosyante na naiulat kamakailan na nawawala sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ang bangkay ni Ingrid Ferrer, 43, negosyante, ng Barangay Mabini, Cabanatuan City, ay natagpuan sa Purok I, Bgy. Villa Ventura, Aglipay, Quirino, at kinilala mismo ng kanyang mga kaanak.

Ayon kay Senior Insp. Reynold Gonzales, hepe ng Aglipay Municipal Police, natunton ng mga kaanak ang labi ni Ferrer matapos itong maiulat na nawawala nang umalis ng bahay noong Abril 3, sakay sa kanyang sport utility vehicle (WRO- 694).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi rin nakita ng pulisya ang sasakyan ng biktima nang madiskubre ang bangkay nito.