Ni Nitz Miralles

NAKAKITA kami ng video at photos na kuha sa rehearsal ni Sarah Geronimo para sa kanyang This 15 Me concert sa Smart Araneta Coliseum sa April 14.

Sarah at

Sa video at photos, kasama ni Sarah ang musical director niyang si Louie Ocampo at si Xian Lim, isa guests sa concert na tumutugtog ng piano habang kumakanta ang pop princess.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

So, kakaiiba talaga ang concert na ito ni Sarah na pawang hunks ang guests niya. Sa number nila ni Xian, aakumpanyahan sa piano. Sayang at walang video/photo sa rehearsal nina Billy Crawford, Daniel Padilla at James Reid para malaman kung ano ang gagawin nila.

With Mark Bautista na isa pa sa special guests ni Sarah, asahan na ng audience ang matinding biritan lalo’t pareho silang magaling na singer.

Nagkaroon na rin ng band rehearsal at dance rehearsal si Sarah bilang paghahanda rin sa nalalapit niyang concert.

Si Paul Basinillo ang director ng This 15 Me, dance director si Teacher Georcelle at si Louie nga ang musical director, produced ng Viva Live.

Ang wish ng fans nina Sarah at Matteo Guidicelli ay makita nilang nanonood ang huli sa concert ng girlfriend. Okey na sa kanila na hindi guest si Matteo sa This 15 Me, pero sana raw manood ito.