Ni NITZ MIRALLES

ANG lakas ding mang-asar ni Jenine Desiderio sa fans ng anak na si Janella Salvador at ni Elmo Magalona dahil nag-post ng picture sa social media na magkasama sila ni Janine Gutierrez na ang captio ay “Jenine x Janine”.

jenine

May natuwa sa caption ni Jenine, pero may nag-react din na fans nina Janella at Elmo at may nagkumpara kina Janine at Janella. Mabuti at nanaig ang positive vibe dahil agad sinaway ang mga pilit pinagkukumpara sina Janine at Janella.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ex-girlfriend si Janine ni Elmo na present boyfriend ni Janella (kahit ang drama ng dalawa ay nasa dating stage pa lang sila), kaya may mga pagkukumparang nangyari. Move on na dapat dahil kung masaya sina Janella at Elmo, masaya rin si Janine kay Rayver Cruz.

Anyway, walang pang sagot ang tinanong namin kung ano ang project together nina Jenine at Janine. Pelikula man ito o TV show, tiyak nang magkakaroon sila ng chance na makapag-usap. Mapag-usapan kaya nila si Elmo?