NAKOPO ni Paul Marton Dela Cruz ang unang ginto para sa bansa sa ginaganap na 2018 Asia Cup- Stage 2 archery competition nitong Sabado sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Nadomina ni Dela Cruz ang individual compound men sa iskor na 704. Nagtabla ang 2014 Asian Games bronze medalist sa karibal na si Lin Che-Wei ng Chinese Taipei, ngunit nakuha niya ang bentahe sa mas maraming naipatama sa target, 57-46.

Nakamit ni Wei Huang ng China ang bronze medal (697).

Tumapos naman sa naturang dinisyon sina Joseph Vicencio (7th), Earl Benjamin Yap (10th) at Barbin Dranoel (19th).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!