Ni JIMI ESCALA
HANDANG-HANDA si Anne Curtis para gampanan ang papel na Valentina sa bagong movie version ng Darna na pinagbibidahan ni Liza Soberano.
Kasalukuyan nang sinu-shooting ang nasabing pelikula sa direksiyon ni Erik Matti pero wala pang pormal na pahayag ang Star Cinema kung sinu-sino ang mga makakasama ni Liza at kung sino ang mga makakalaban ni Darna.
Inamin ni Anne na wala pa siyang natatanggap na pormal na offer para gampanan ang papel ni Valentina sa isa sa mga pinakasikat na obra-maestra ni Mars Ravelo.
“May mga nagsabi sa akin na ako raw ang gaganap na Valentina, pero wala pa akong natatanggap na formal offer mula sa Star Cinema. How I wish, di ba?” balik-tanong ni Ms. Anne.
Interesado siyang maging kontrabida ni Liza.
“ M o r e t h a n anything, eh, I’d be more interested siguro in playing a villainess of kahit na sinong Mars Ravelo character. I have fun kasi playing kontrabida, I’d totally be open to doing it.
“ I f g i v e n t h e opportunity, I would love to,” sey ng isa sa mga pambatong host ng It’s Showtime ng ABS-CBN.
Aware si Anne sa iba pang characters na nagpapahirap kay Darna.
“Meron pa nga ‘yung mga girls na galing sa ibang planeta o ‘yung mga tinatawag na Planet Women, marami pang characters na puwedeng gawin, and I really love to portray one of them,” lahad pa ni Anne Curtis.