Ni NORA CALDERON

NAG-REACT at natuwa ang AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza nang mapanood ang live streaming ng GMA Pinoy TV mula sa Philippine Consulate sa New York City, nang isagawa ang press conference para sa “Sikat Ka Kapuso” concert last April 6.

Present sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Betong Sumaya at Alden na tinanong ng Pinoy reporters doon kung ano ang stand nila sa divorce.

Ito ang sagot ni Alden na pinalakpakan ng mga nakarinig: “I do believe that marriage is sacred and I think in marriage if there’s something not working well, the husband and the wife should talk to each other and work something out.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

May nag-comment kung hindi raw ba dapat na iyong may asawa na ang tinatanong.

May nagtanong naman kung kailan sila magbabalikan ni Maine, tulad nang nababasa nila sa Twitter. Ang sagot ni Alden, kung anuman daw ang lumabas na sa Twitter ay self-explanatory na. Marami kaming natanggap na videos ng concert at kita naman na masaya ng mga kababayan natin doon sa performances nilang anim, sa Newark Symphony Hall sa New Jersey. Well-applauded ang song and dance numbers nila, isa rito ang pagkanta ni Alden ng Perfect ni Ed Sheeran na paboritong kantahin ni Alden for Maine. Nag-enjoy ang mga Kapuso sa interaction sa Kapuso stars during the show.

Na-meet din nila si Ambassador to the United Nations na si Teddy Boy Locsin sa Philippine Consulate sa New York.

Ngayong Monday morning dito sa atin ay Sunday (April 8 naman sa Toronto, Canada) 7:00 PM ang show nila sa Sony Center for the Performing Arts. Ang shows ay directed by Rico Gutierrez with Geleen Eugenio as the dance director.