Ni Nora Calderon

NAINTERBYU namin si Christian Bautista after ng media conference ng 3 Stars, 1 Heart na magaganap sa April 14 sa CSI Stadia, Dagupan City. Tinanong namin siya tungkol sa nalalapit na kasal nila ng kanyang girlfriend na si Kat Ramnani.

“Yes, tuloy na kami before the year ends,” nakangiting sagot ni Christian. “Kaya lang hindi pa ako makapagbibigay ng complete details dahil naghahanda pa nga lang kami, inaasikaso pa lang namin kahit single details ng pagpapakasal. Nakakatuwa na excited din ako sa paghahanda namin ni Kat. Marami akong natututunan.

“Naisip ko nga na ang paghahanda pala sa kasal, para ka ring naghahanda sa isang concert. Ihahanda mo ang marriage contract na hindi pa namin napapa-register, ang venue, kung saan gagawin ang wedding at reception, siyempre may lights, may flowers, may guest lists. Pareho kaming maraming iimbitahang friends, kaya may advice na sa amin na kapag 100 ang guests namin, magdagdag na kami ng ilan pa dahil iyong ibang dadalo, may kasama sila.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Si Francis Libiran ang gagawa ng gown ni Kat at ng suit ko. Siya na ang nagbibihis sa akin simula pa noong una kong concert. Sorry kung hindi ko pa rin masabi kung kailan talaga ang wedding pero siguro by October, 2018, puwede ko nang maibigay ang complete details. Yes, dito gagawin ang wedding namin.”

Kaya magtatrabaho raw muna siya.

“Need kong matrabaho, more concerts and shows, kailangang makaipon para sa kasal,” pabirong pagtatapos ni Christian.