PARA mapreserba ang kanyang lakas, nauwi sa tabla ang laban ni Fide Master John Marvin Miciano ng Davao City kontra kay Candidate Master Le Minh Hoang ng Vietnam at manatili sa unahang puwesto na may 5.5 puntos sa boys 18 years old and under division sa Asian Youth Chess Championships nitong Huwebes sa Lotus Pang Suan Kaew Hotel sa Chiang Mai, Thailand.

Si Miciano, tangan ang disadvantageous black pieces, ay nakipag draw sa 48 moves ng King’s Indian defense.

Angat ang18-year-old reigning national junior champion ng full point sa kababayang si Daniel Quizon ng Dasmariñas City, Cavite, Arya Omidi ng Iran at FM Wong Yinn Long ng Malaysia na may tatlo pang laro sa standard o classical time control format.

Si Quizon, top player ng Dasmariñas Chess Academy na itinatag nina Dasmariñas City Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga at Congresswoman Jenny Barzaga, ay panalo kay CM Thilakarathne G M H ng Sri-Lanka, tabla si Omidi kay FM Guha Mitrabha ng India at panalo si Wong kay FM Xu Zhihang ng China.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Mark Jay Bacojo, isa pang pambato ng Dasmariñas City, ay nabigo kay Daneshvar Bardiya ng Iran. Nanatili siya ng 4.5 puntos sa six outings sa boys 12 years old and under division.

Panalo naman si Jerish John Velarde ng Lapu-Lapu City, Cebu, kay Dias Alimbetov ng Kazakhstan.