Mula sa DailyMail

MAGLULUNSAD si Jennifer Lopez ng kanyang makeup collection katuwang ang Inglot Cosmetics.

JLo copy

Nakipagtulungan ang 48-year-old star – kumikita ng malaki sa kanyang 27 perfumes na kinabibilangan ng best-seller na Glow – sa Polish make-up brand para lumikha ng bagong koleksiyon ng mga produkto mula sa lipsticks hanggang eyeshadows.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nagsimula na ang countdown matapos magpaskil ang brand ng pahayag sa Instagram at lumikha ng website na may timer na nagbibilang ng mga araw hanggang sa paglulunsad.

Ang imahe ni Jennifer ay may caption na: ‘We are excited to announce the Jennifer Lopez Inglot collaboration launching April 26th @jlo #JLOxInglot #JLO#INGLOT.’

Ibinahagi rin ng Shades of Blue star ang larawan sa kanyang 73 million Instagram fans at binigyan sila ng hint sa mga produkto na maaaring abangan sa kanyang collaboration sa pagsusuot ng subtle brown and gold eyeshadow at ini-highlight ang mga produkto na nagpapakita ng kanyang glowing tanned skin gayundin ang bold red lipstick na ayon sa WWD, ay bubuo sa 70 piece collection.

Nang ibahagi ang imahe sa kanyang Instagram Story, pabiro niyang isinulat sa caption na ‘Jenny from the Glot’ na nagpaalala sa kanyang 2002 hit na Jenny From The Block sa upcoming collaboration.

Hindi ito ang unang pagpasok ni J.Lo sa world of beauty na naglunsad na ng kanyang perfume na Glow noong 2002 – na nagpasimula ng trend para sa iba pang celebrities na sumunod sa kanyang mga yapak – at nananatiling isa sa best sellers sa American fragrance market, matapos kumita ng $100 million sa sales sa unang taon, ayon sa Allure magazine.