NAPAMAHAL na kay Ruru Madrid ang GMA-7 primetime series niyang Sherlock Jr. Focused at determinado siya sa mga eksena niya lalo pa’t nararamdaman niya ang mainit na pagtanggap ng mga manonood.

Ruru Madrid (5) copy

Espesyal kay Ruru ang Sherlock Jr. dahil dito natupad ang kanyang pangarap na maging action star. Childhood dream niya ito.

Mas excited siyang mag-taping dahil sa mga kasong nilulutas nila ng asong si Siri. Bukod kasi sa interesting ang mga kasong tinatalakay nila, marami rin siyang natututuhan sa kanyang co-actors.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, usap-usapan ang paglabas ng karakter ni Rafael Rosell sa serye na unang pagkikita pa lang nila ni Jack (Ruru) ay inupakan na niya agad. Panibagong adventures na naman ito ng bida. Pero hindi lang si Rafael ang bagong mukhang papasok sa Sherlock Jr. Abangan sa GMA Telebabad gabi-gabi!