Mula sa DailyMail

KILALANG architect at MIT professor ang madalas na ka-date ni Brad Pitt ngayon, si Neri Oxman.

Oxman copy

Iniulat na ang 54-anyos na aktor, na mahilig sa architecture at design, ay napalapit sa 42-anyos na American-Israeli dahil sa isang MIT architecture project.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ayon sa ulat ng Page Six, ini-refer si Brad kay Neri para makipag-collaborate sa isang architectural project.

Ayon sa source, “Brad and Neri instantly hit it off because they share the same passion for architecture, design and art. This is best described as a professional friendship.”

Gayunman, idinagdag ng source na wala pang relasyon ang dalawa ngunit tila patungo na roon.

“Their friendship has not turned into romance… as both are cautious and this is, again, more of a professional friendship, but Brad is very interested in spending more time with Neri, she is fascinating.”

Professor si Neri sa MIT Media Lab, na siya ang nagtatag at namamahala sa Mediated Matter group, at dating kasal sa Argentine composer na si Osvaldo Golijov.

Ang beautiful brunette ay isa ring artist at ang kanyang mga obra ay itinampok sa collections sa MoMA, Paris’ Centre Georges Pompidou, Vienna’s Museum of Applied Arts at Boston’s Museum of Fine Arts and Museum of Science.

Samantala, pinamumunuan ni Brad ang Make It Right Foundation, na nagtatayo ng abot-kayang solar-powered na mga bahay at komunidad para sa mahihirap.

Iniulat kamakailan na ilang linggo na lamang at maisasapinal na ang diborsiyo nina Brad at Angelina Jolie. At kapwa na sila nakapag-move on at nakatagpo ng kanya-kanyang bagong love interest.

“The terms of the divorce are now agreed,” sabi ng source sa The Sun nitong linggo. ”They are being finalised by both legal teams, but will be filed within weeks.

“Both decided it was crucial for the children that they had a respectful relationship.”

Sina Brad at Angelina ay magulang nina Maddox, 16, Zahara, 13, Pax, 14, Shiloh, 11, at nine-year-old twins na sina Knox at Vivienne.

Napapabalitang si Angelina, 42, ay nakikipag-date sa isang ‘handsome and older looking’ real estate agent.

Naghiwalay ang dalawang bituin noong Setyembre 2016 matapos ang dalawang taong kasal. Siyam na taon silang nagsasama bago humarap sa altar.