RIYADH (AP) – Inatake ng mga rebeldeng Houthi ng Yemen nitong Martes ang isang Saudi oil tanker sa Red Sea, na nagdulot ng “minor damage” sa barko, sinabi ng Saudi-led coalition na nakikipaglaban sa mga rebelde.

Sinabi ni coalition spokesman Col. Turki al- Malki na nangyari ang pag-atake sa international waters sa kanluran ng port of Hodeida sa Yemen, na nasa ilalim ng kontrol ng Houthi.

Sinabi ng coalition na ang barko ay pag-aari ng isang kasaping bansa na mabilis na rumesponde nang hindi nagbibigay ng mga detalye.

Internasyonal

TikToker na afam, habambuhay makukulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay at kaibigan nito